Ako Na Lang Ang Bibitaw


Sino ba ang unang magsasabi
Na hindi na tayo tulad ng dati
Napipilitan na nga ba tayo
Dahan-dahang nadarama ating paglayo oh

'Di ba oras na
Mulatin ang mata
Aminin ang tunay na nararamdaman
'Wag sana nating
Hintayin na maubos ang isa't isa
Wala nang maibibigay pa

Minahal kita minahal mo ako
Ngunit tadhana ay sadyang nagbago
Kumakapit nalang ba sa alaala
Nung panahon na tayo'y masaya
Baka mabuti pang ngayon pa lang
Ako na ang magpapaalam

Para sa'yo
Ako nalang ang bibitaw
Ako na lang ang bibitaw

Paulit-ulit na mga alitan
Masasakit na salita ngayo'y di maiwasan
Hanggang kailan ba magtitiis
Napapagod na sa kakaisip

'Di ba oras na
Tanggapin na
Hanggang dito nalang tayo
'Wag nang patagalin pa

Minahal kita minahal mo ako
Ngunit tadhana ay sadyang nagbago
Kumakapit nalang ba sa alaala
Nung panahon na tayo'y masaya
Baka mabuti pang ngayon pa lang
Ako na ang magpapaalam

Para sa'yo
Ako nalang ang bibitaw

Minahal kita minahal mo ako
Ngunit tadhana ay sadyang nagbago
Kumakapit nalang ba sa alaala
Nung panahon na tayo'y masaya
Baka mabuti pang ngayon pa lang
Ako na ang magpapaalam

Para sa'yo
Ako nalang ang bibitaw