Di Malilimot


Hanggang saan aabutin ang 'yong lakas
Pag di na niya naaalala ang nakalipas
Pagmamahal nga ba'y walang saysay
Pag di nagunita

Parang isang bituing nahuhulog
Dahan-dahang naglaho
Unti-unti mang mawala
Di malilimot ng 'sang puso ang pag-ibig na totoo

Kailan patatahanin ang mga luha
Nasasaktan ka ng hindi naman sinasadya
At kung umabot mang pumili siya ng iba
Oh iibig ka pa ba sa kanya

Pilitin man hindi magbabago
Ang pag-ibig ko sa'yo
Mauwi man sa wala
Ako'y magtitiwala
Na minsan ay umibig ng totoo

Na minsan na ako'y inibig mo