Ako'Y Kaibigan Mo


Naghahanap ka ng kasama
Gayong di ka nag-iisa
At kahit ika'y tumatawa
May lungkot sayong mga mata
Nalimutan mo bang nandito ako
Handang makinig sa iyo
Mundo man ay gumuho tandaan mo
Ako'y kaibigan mo

Ano man ang iyong sasabihin
Handa kitang pakinggan
Mabigat man ang iyong damdamin
Sasamahan kang ito ay dalhin
Nalimutan mo bang nandito ako
Handang makinig sa iyo
Mundo man ay gumuho tandaan mo
Ako'y kaibigan mo

Kung nasaktan ka man noon
Nandito ako ngayon
At di ko man kayang lutasin
Dalahin mo'y akin ding papasanin
Nagtatanong ka't nagtataka bakit ka nag-iisa
Ngunit ako'y di mo nakita
Karamay mo at kasangga

Nalimutan mo bang nandito ako
Handang makinig sa iyo
Mundo man ay gumuho tandaan mo
Ako'y kaibigan mo
Nalimutan mo bang nandito ako
Handang makinig sa iyo
Mundo man ay gumuho tandaan mo
Ako'y kaibigan mo
Ako'y kaibigan mo