Buntong Hininga
Isang gabing maalinsangan
Na tila may nagbabantang ulan
Nakatanaw sa dagat nang hindi tumitinag
Walang hangin o buwang maliwanag
Katawang pagod pusong nalulungkot
Pinapapak pa ng lamok
Ang tanging kaulayaw ko'y serbesa at gitara
At ang pulutan ko'y
Buntong hininga
Sa mga gabing tulad nito
Sarili ko'y tinatanong nagkamali ba ako
Ayaw kong matulog dahil alam kong
Katulad ng ibang gabi unan lang
Ang yakap ko
Umaga ba'y kailan sasapit
Hanggang kailan kaya mamimilipit
Mga piping saksi dingding ng aking silid
Sa 'king buntong hiningang
Walang patid ooh
Meron bang pusong di nalulungkot
Meron bang pusong di natatakot
Payag na ako kung paghahangad magwawakas
Sa kagandahang kailan ma'y
Di kumukupas
Minsan nang ako ay nagpasya
At alam kong iyo'y di pangsamantala
Di ako nagsisisi ang tangi kong sinasabi
Katulad mo marunong din akong
Bumuntong hininga
Pumapatak na ang ulan
Ang hangin ako ngayo'y hinahagkan
Ipipikit na ang mata at sa aking paghiga
Huhugot ng isang
Buntong hininga
Hmm hmm hay