Ama Namin
Ama namin sumasalangit ka
Sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para ng sa langit
Bigyan mo kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami
Sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
Sapagkat sayo'y nagmumula
Ang kaharian ng kapangyarihan
At ang kaluwalhatian
Magpasawalang hanggan