Ano ba ang Nangyari


Ako'y napatingin sa litrato mo
Naaala-ala ang nakaraan
Nangihihinayang ako
Nasalubong kita sa daan
Iba ang kasama ko

Nagalit ka sa akala mong ika'y niloko ko
Humingi ako ng sorry sa telepono
Umaasang kausapin ako'y iniisnab mo
Humingi ako ng tulong sa barkada mo
Lumipat ka raw ng tirahan na ako'y iniiwan mo

Ano ba ang nangyari ba't nagkaganito
Kung sino pa ang mahal mo siya ang wala sa iyo
Sana'y iyong pakinggan ang pagsamo ko
Mali pala ang nagawa ko ako'y patawarin mo

Kaya ako'y nandito para humingi ng tawad mo
Nagbabakasakaling magbago pa ang isipan mo
Humingi ulit ng sorry sa telepono
Umaasang kakausapin ako'y binagsakan mo

Ano ba ang nangyari ba't nagkaganito
Kung sino pa ang mahal mo siya ang wala sa iyo
Sana'y iyong pakinggan ang pagsamo ko
Mali pala ang nagawa ko sana'y patawarin mo oh

Ano ba ang nangyari ba't nagkaganito
Kung sino pa ang mahal mo siya ang wala sa iyo
Sana'y iyong pakinggan ang pagsamo ko
Mali pala ang nagawa ko sana'y patawarin mo