Talamak na sa Bisyo


Dito sa mundong makasalanan
Marami ang naliligaw ng daan
Dito sa mundong tukso'y di maiwasan
Wag kang padadala kaibigan

Marami ang nangangatuwiran
Marami rin ang s'yang nagyayabang
Wika nila gamot ang kailangan
Wag kang padadala kaibigan

Kung nais mo ng kapayapaan
Bisyo ay iyong iwasan
Hindi ka n'yan matutulungan oh
Papatayin ka n'yan kaibigan

Wag mag-alala di kita iiwan
Pangako ko sayo aking kaibigan
Magkasama tayo sa lahat ng oras
Ang payo ko sayo ay pakinggan mo
Upang di matulad
Sa taong talamak na sa bisyo

Dito sa mundong nilalakaran
Problema'y di rin maiwasan
Kahirapan at kabiguan
Pagsubok iyan kaibigan

Kung nais mo ng kapayapaan
Bisyo ay iyong iwasan
Hindi ka n'yan matutulungan oh
Papatayin ka n'yan kaibigan

Wag mag-alala di kita iiwan
Pangako ko sayo aking kaibigan
Magkasama tayo sa lahat ng oras
Ang payo ko sayo ay pakinggan mo
Upang di matulad
Sa taong talamak na sa bisyo

Talamak talamak na sa bisyo
Talamak talamak na sa bisyo
Talamak talamak na sa bisyo
Talamak talamak na sa bisyo oh