Awiting Pilipino


Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na damdamin
Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na sariling atin

Ang damdaming Pilipino
Nagbuhat pa sa unang tribo
Di na natin makita
Di na natin madama

Nasaan ang ating diwa
Pagmasdan n'yo ang mga luha
Nasaan ang pagmamahal
Pagmamahal sa sariling wika

Wala na ang awit
Ang awiting Pilipino
Wala na ang himig
Himig ng mga puso

Di na natin matignan
Kahit isang sulyap man lang
Di na natin mapagbigyan
Batiin na ang sariling bayan

Subukan n'yo naman
Ang awiting Pilipino
Tulungan n'yo naman
Mahabag kayo sa ating bayan

Wala na ang awit
Ang awiting Pilipino
Wala na ang himig
Himig ng mga puso

Wala na ang awit
Ang awiting Pilipino
Wala na ang himig
Himig ng mga puso