Ayaw Makinig


Marami na tayong nakita
Marami na tayong naririnig
Ngunit marami pang tao
Ayaw ayaw makinig

Marami na tayong naaaksayang panahon
Ngunit wala pang nangyayari hanggang ngayon
Ganito na lang ba tayo sa habang panahon
Bakit di tayo gumawa ng solusyon

Marami na tayong nakita
Marami na tayong naririnig
Ngunit marami pang tao
Ayaw ayaw makinig

Malapit na yatang magunaw ang ating mundo
Patuloy pa rin ang ating mga bisyo
Bakit di natin baguhin ang ating sarili
Meron pa tayong pag-asang magbago

Marami na tayong nakita
Marami na tayong naririnig
Ngunit marami pang tao
Ayaw ayaw making

Linisin na natin ang ating mga konsyensya
Upang wag masaktan ang aking kaluluwa
Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan
Mahirap makinig ang nagbibingi-bingihan

Marami na tayong nakita
Marami na tayong naririnig
Ngunit marami pang tao
Ayaw ayaw making