Bagong Araw
Oh oh oh oh
Pagkamulat pagkagising
Ano ang balak mong gawin
Uurong susulong
O diyan ka lang nakabitin
Lumabas ka nang makita
Sinag ng pag-asa
Huwag nang palampasin pa
Mga biyayang dala
Ng bagong araw bagong umpisa
Bagong lakas bagong sigla bagong pagkakataon
Bagong hakbang tungo sa pagbangon
Oh
Ang hapdi ng nakalipas
Di na dapat pang balikan
Galit at alinlangan
Kalimutan na at iwanan
May gintong aral na matututunan sa bawat nakaraan
Huwag mong hayaang mapigilan ng kirot ng kahapon
Ang pagharap mo sa bagong araw bagong umpisa
Bagong lakas bagong sigla bagong pagkakataon
Bagong hakbang tungo sa pagbangon
Ang pagsubok ay bahagi na ng ating buhay
Upang bawat isa'y lalong maging matibay
Salamat at mayron pang ngayon
Huwag nang mag-aksaya ng panahon halika na
Sumama ka na
May bagong araw bagong umpisa
Bagong lakas bagong sigla bagong pagkakataon
Bagong hakbang
Sa pagsalubong mo sa bagong araw bagong umpisa
Bagong lakas bagong sigla bagong pagkakataon
Bagong hakbang tungo sa pagbangon
Oh oh oh
Pagkamulat pagkagising
Ano ang balak mong gawin