Pilipinas


Kumusta na kaya ang bayan kong sinilangan
Miss na miss ko na ang aking mga kaibigan
Mga kwentuhan at kantahan sa tahanan
At lutong bahay na sadyang katakam-takam

Naaalala ko ito
Tuwing nag-iisa ako
Kahit saan man magtungo
Nananabik sa bayan ko

Mga batang naglalaro ng patintero
Namimitas ng mga prutas sa puno
Nangingisda sa batis gamit ang kahoy na matulis
At kalabaw ni tatay panghanap-buhay sa bukid

Bahay kubo na pamana kay inay
Sa paligid-ligid ay puno ng gulay
May balon sa likod ng kapitbahay
Isang payak at simpleng buhay

Tara na sa Pilipinas
Silipin natin ang likas ng ating bayan
Tayo na sa Pilipinas
Pakinggan natin ang sigaw ng kagubatan
Tara na sa Pilipinas
Balikan mo ang ating lupang hinirang

Nananariwa lagi sa aking isipan
Ang ganda ng ating kalikasan
Sariwang hangin at asul na karagatan (yeah)
Bulubunduking kaysarap pagmasdan

Bahay kubo na pamana kay inay
Sa paligid-ligid ay puno ng gulay
May balon sa likod ng kapitbahay
Isang payak at simpleng buhay

Tara na sa Pilipinas
Silipin natin ang likas ng ating bayan
Tayo na sa Pilipinas
Pakinggan natin ang sigaw ng kagubatan
Tayo na sa Pilipinas
Balikan mo ang ating lupang hinirang

Tara na sa Pilipinas (tara na sa Pilipinas)
Silipin natin ang likas ng ating bayan
Tayo na sa Pilipinas (tayo na sa Pilipinas)
Pakinggan natin ang sigaw ng kagubatan (oh)
Tara na sa Pilipinas (tara na sa Pilipinas)
Silipin natin ang likas ng ating bayan
Tayo na sa Pilipinas (tayo na sa Pilipinas)
Pakinggan natin ang sigaw ng kagubatan (oh)
Tara na sa Pilipinas
Balikan mo ang ating lupang hinirang
Ang ating lupang hinirang