Bakit Ba Ganito
Ano ba itong nararamdaman ko
Bakit ba ganito nakakalito
Kung wala hinahanap ka
Pag nandiyan anong kaba
Kahit di ko naman ito sinasadya
Kapag ako'y nilapitan mo bumibilis pagtibok ng aking puso
At sa'yong mga tingin mundo ko'y nagniningning
Bakit ba ganito ang aking tuwang nadarama
Kapag ikaw ang lagi kong kasama
Mula nang makilala ka mundo ko'y nag-iba
Hindi maipaliwanag ang nadarama
Pa'no na kaya kung mapansin ang pusong litong-lito
Ito ba ay isang paghanga sa'yo
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko
Bakit ba ganito
At sa tuwing ika'y aking nakikita
Parang nasa ulap na tayong dalawa
Di masukat ang tuwa pag nasisilayan ka
Kahit di ko naman ito sinasadya
Pa'no na kaya kung mapansin ang pusong litong-lito
Ito ba ay isang paghanga sa'yo
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko
Bakit ba ganito
Ako'y nangangamba na baka iyong mahalata
Basta't alam ko lang mga tanong sa'king isipan
Sa'king isipan
Bakit ba ganito ang aking tuwang nadarama
Kapag ikaw ang lagi kong kasama
Mula nung makilala ka mundo ko'y nag-iba
Hindi maipaliwanag ang nadarama
At kahit saang sulok ako magtago
Nandito ka pa rin sa isipan ko
Bakit ba ganito
Bakit ba ganito
Bakit ba ganito oh