Bakit Hindi Mo Sabihin


Parang kailan lamang nang tayo'y nagkakilala
Damdamin nati'y kay bilis nagkahulihan
Di nagkatagalan naging magkaibigan
Ganda ng mundo ay ating namasdan

Binigyan mo ng pag-asa ang aking mga pangarap
Kahapong kay lungkot ngayon ay kay saya
Lagi kang karamay sa lahat ng oras
Hulog ka ng langit (hulog ka ng langit)
Gabay sa aking landas

Bakit di mo sabihin
Na ikaw ay umiibig sa akin
Hinding-hindi kita pahihindian (pahihindian)
Pagkat mahal (pagkat mahal)
Mahal na mahal kita

Halatang halata na sayong mga mata
Laman ng puso mo ay kitang kita na
Sige na lapit na mahal na mahal kita
Di mo ba nadarama (di mo ba nadarama)
Sa awit ko sinta

Bakit di mo sabihin
Na ikaw ay umiibig sa akin
Hinding-hindi kita pahihindian (pahihindian)
Pagkat mahal (pagkat mahal)
Mahal na mahal kita

Bakit di mo sabihin
Na ikaw ay umiibig sa akin
Hinding-hindi kita pahihindian (pahihindian)
Pagkat mahal (pagkat mahal)
Mahal na mahal kita