Batang Magalang


Ang batang magalang ay kay gandang masdan
Kay lolo at lola maging sino pa man
Ang po at ang opo’y laging sasambitin
Sa lahat ng nakatatanda sa 'tin

Maging ang kaibigan dapat ding igalang
Gawain na kay inam di dapat kalimutan
Ang po at ang opo’y laging sasambitin
Sa lahat ng nakatatanda sa atin
Sa batang magalang saludo tayo d’yan