Salamat Po Panginoon
Ang ulo’y iyuko
Ang mata’y ipikit
Tayo ay manalangin ng mataimtim
Salamat po Panginoon sa araw na ito
Sa karunungan at kaibigan na kasama ko
Salamat po sa titser ko na nagmamahal
Dalangin namin sa Maykapal
Kami ay ingatan
Salamat po sa magulang ko na nagmamahal
Dalangin namin sa Maykapal
Kami ay ingatan
Salamat po o Diyos
Papuri ko’y sa iyo