Buhangin


Buhay
Tumitingkad ang mga kulay
Iwasan ang mga salabay
Na sumasalakay

Sumakay patungong dagat
Kislap ng araw na sumikat
Nakalutang sa tubig alat
Sumanggulat ng ginto sayong balat

Maghapong nakabilad
Sa buhangin
Mga inanod na panalangin
Buhangin
Kung may nais kang limutin
Ibaon mo sa buhangin

Alon
Hinehele ang dapit hapon
Tila ayaw munang umahon
Ayaw matapos ng bakasyon

Mahiwagang panahon
Sumabay sa hangin
Bumubulong ng mga lihim
Sumisid hanggang sa malalim
Huwag matakot sa dilim
Ilililim ang lahat ng suliranin
Sa buhangin

Mga inanod na panalangin
Buhangin
Kung may nais kang limutin
Ibaon mo sa buhangin