Takbo


Dali kailangan umabante
Aalis na ang tren sa ilang sandali
Tigil nang lahat ng ginagawa mo
Kailangang umandar nang maadik ako
Oh

Takbo bilisan mo 'wag kang papahuli kahit kanino
Takbo bilisan mo sintulin ng ipoipo

Tara kailangan nang mag-apura
Aandar na ang bus ng pang ala-una
'Wag sayangin oras na salaginto
Kailangang kumaripas 'wag kang hihinto
Oh

Takbo bilisan mo 'wag kang papahuli kahit kanino
Takbo bilisan mo sintulin ng ipoipo

Hala kailangan nang lumarga
Sumakay na ng eroplano dahil boarding na (boarding na)
'Wag nang magdalawang-isip
'Wag nang paligoy-ligoy
'Wag kang lumubog sa kumunoy

Takbo bilisan mo 'wag kang papahuli kahit kanino
Takbo bilisan mo sintulin ng ipoipo
Takbo bilisan mo 'wag kang papahuli kahit kanino
Takbo bilisan mo sintulin ng ipoipo