Chinito Problems


Gulat ako nang makilala kita
Natulala sa tinatagong ganda
Bakit 'di man lang kita napansin ('di man lang kita napansin)
Siguro malabo lang paningin
Oh bakit nga ba
Dati-rati walang kulay ang mundo (kulay ang mundo)
Tumingkad ang lahat nang dahil sa'yo
Saang sulok ka nga ba nanggaling
Ang puso'y sabik sa'yong pagdating

Kapag ika'y kasama
'Di ko mapigilang tumawa
Ako'y tuwang-tuwa
Kahit na magmukha pa akong ewan
Ay okay lang
Kay linaw nang paligid
'Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong makita kundi ikaw

Nagsimula lahat sa hi at hello (hi at hello)
Nagkabangga na ri't nagkasalubong
Parang 'di na makapaghintay
Na muli ikaw ay makasabay
Oh kailan nga ba
Sana naman ay may pag-asa ako (may pag-asa ako)
Kapag inamin 'tong nadarama ko (nadarama ko)
Dahil 'di ko na palalampasin (di ko na palalampasin)
Ang araw na malalaman mo rin

Kapag ika'y kasama
'Di ko mapigilang tumawa
Ako'y tuwang-tuwa
Kahit na magmukha pa akong ewan
Ay okay lang
Kay linaw nang paligid
'Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong makita kundi ikaw

Labo-labo ba't 'di ko pa masabi (labo-labo)
Labo-labo ba't 'di ko pa masabi (labo-labo)
Labo-labo paano sasabihin sa'yo

At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako'y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin
At damdamin

Kapag ika'y kasama
'Di ko mapigilang tumawa
Ako'y tuwang-tuwa
Kahit na magmukha pa akong ewan
Ay okay lang
Kay linaw ng paligid
'Pag ikaw na ang kaharap
Walang gustong makita kundi ikaw

Labo-labo ba't 'di ko pa masabi (kundi ikaw)
Labo-labo ba't 'di ko pa masabi (kundi ikaw)
Labo-labo paano sasabihin sa'yo