Dagat ng Pagasa
Nagtatago ako sa lilim ng kahapon
Para lang magawa ang gawain ko ngayon
Naghintay sa wala baka sakaling merong tatawag sa akin
Ang isip ko'y aahon
Nalulunod at dumidilim lahat ng makita'y puro itim
Takbo takbo walang pupuntahan
Wala bang sasagot sa aking mga katanungan
Lumulutang ako sa dagat ng pag-asa
Sa loob ng isang taon ako'y nalunod
Hindi ko alam pero ako'y may narinig
'Kaw ba'y nagbalik ko'y susunod sa 'yong tinig
Nalulunod at dumidilim lahat ng makita'y puro itim
Takbo takbo walang pupuntahan
Wala bang sasagot sa aking mga katanungan
Magkasama na tayo ang kahapo'y ngayon
Sa ngayon di malaman kung nasa'n ang dito
Dito magmumula ang ating pagsasama
Dito magtatapos ang aking
Pagnanasa