Dahan-Dahan Lamang


Sa lahat ng panahon kahit nasan ka man
Matutong maghintay pagdating ng iyong oras
Sa pagpila at pag-uwi isa-isa lamang
Pagtutulakan ay iwasan walang masasaktan

Isa isa isa lamang dahan-dahan ka lang
Ang oras mo ay darating kung kaya’t maghintay lamang
Kung tayo ay magkakasundo sa pagpila pa lang
Ito’y ugaling kay inam dapat na tularan

Isa isa isa lamang dahan-dahan ka lang
Ang oras mo ay darating kung kaya’t maghintay lamang
Isa isa isa lamang dahan-dahan ka lang
Ang oras mo ay darating kung kaya’t maghintay lamang

Maging matiyaga lagi mong tandaan