Dati Pa


Dati pa nung nakilala ka
Ika'y aking sininta
Magmula sa ating kahapon
Ikaw pa rin hanggang ngayon

Lumipas din ang mga taon
Akala ko'y malilimutan na kita
Bakit pa iniibig pa rin kita
Kahit landas ay nagsanga

Pag-ibig ko ay tunay
Hanggang wakas iaalay
Buhay ko'y binigyan mo ng sigla
Dati pa dati pa
Nung nakilala ka

Sana ay bigyan ng halaga
Ala-ala ng nagdaan
At muling ibabalik natin
Ang tamis ng ating pagmamahalan

Hangarin ko na tayong dalawa
Ay hindi na magkakalayo
Nananabik sinisigaw ko
Na ikaw ang may-ari ng puso ko

Pag-ibig ko ay tunay
Hanggang wakas iaalay
Buhay ko'y binigyan mo ng sigla
Dati pa dati pa
Nung nakilala ka

Kalimitan ang dahilan
Ng ating pagtatampuhan
Mahalaga'y malaman ko
Kung mahal mo pa rin ako

Pag-ibig ko ay tunay
Hanggang wakas iaalay
Buhay ko'y binigyan mo ng sigla
Dati pa dati pa (dati pa dati pa)
Dati pa dati pa
Dati pa dati pa
Nung nakilala ka oh (oh)