Dilemma


Hindi ko sinasadya napansin kita
Mula noon sa isip ko paikot-ikot ka
Sa dami ng pinagsisihan
Ayaw ko nang dagdagan
Hangga't maaga ay putulin ang kahibangan

Ngunit sa bawat araw na magdaan
Lalong lumalakas ang aking nararamdaman
Abot na sa puntong di na kayang pigilan
Sasabog sasabog

Bawat kilos ko't galaw
Bugso ng damdaming ayaw ko sanang mangibabaw
Ngunit talo ng puso ang isipan ko

Alam kong di naman tayo bagay dalawa
Ayoko nang maulit pa ang sakit na nadama
Ang dami ko nang kasalanan
Ayaw ko nang dagdagan
Hangga't maaga ay putulin ang kahibangan

Ngunit sa bawat araw na magdaan
Lalong lumalakas ang aking nararamdaman
Abot na sa puntong di na kayang pigilan
Sasabog sasabog

Bawat kilos ko't galaw
Bugso ng damdaming ayaw ko sanang mangibabaw
Ngunit talo ng puso ang isipan ko

Sige

Kailangan kong magbago upang makamit ang puso mo
Ngunit ikaw rin ang nag-iisang may lakas na baguhin ako
Dahil sa bawat araw na magdaan
Lalong lumalakas ang aking nararamdaman
Abot na sa puntong di na kayang pigilan
Sasabog sasabog
Sasabog sasabog

Bawat kilos ko't galaw
Bugso ng damdaming ayaw ko sanang mangibabaw
Ngunit talo ng puso ang isipan ko (bawat kilos ko't galaw)
Bugso ng damdaming ayaw ko sanang mangibabaw
Ngunit talo ng puso ang isipan ko
Oh
Talo ng puso ang isipan ko