Gabi Ng Prom
Parang talang bumaba sa lupa
Ka nang makita kong pababa
Sa gym natin bagong gawa
Sa katakut-takot na fundraising na yata
Pero wala na akong pakialam
Sa mga ticket na nabenta't nasayang
Ang importante sakin ay nandito ka
Nakapaganda mo sa bago mong gown
Sabi mo mukha akong tanga
Pagtingin ko kasi sayo napatunganga
Sino nga ba kasing mag-aakala
Na magga-gown ka ng ganto tago ang piercings at tattoo
Pero wala na nga silang pakialam
Sa kapal ng eyeliner mo at mascara
Ang importante sakin ay nandito ka
Napakakaganda mo napakaganda mo
Sa gabi ng prom
Sa gabi ng prom
Wala tayong pakialam
Sa sinasabi ng iba
Kahit mag-maong ka pa
Sa ilalim ng palda
Kahit magwala ka pa
Sa gitna ng sayawan
Sa gabi ng prom
Sa gabi ng prom
Wala tayong pakialam
Tayong dalawa lang ang bida
Di man marunong sumayaw
Kahit pa magsisigaw
Magalit man ang principal
Ma-office man sa pasukan
Sa gabi ng prom
Sa gabi ng prom
Sa gabi ng prom
Sa gabi ng prom