Gusto Kong Magsayaw


Bakit ba ngayong gabi di ako mapakali
Gusto kong kumembot na parang kiti-kiti
Sa tindi ng tugtugang nakakabingi
Di ko na mapigil ang aking sarili

Gusto kong magsayaw gusto kong sumigaw
Gusto kong tumalon magdamag maghapon
Gusto kong magsayaw gusto kong humataw
Gusto kong lumundag maghapon magdamag

Sige

Pag ako'y nakarinig ng musikang mabilis
Matik yumugyog ang laman at isip
Pag rolyo ng tambol
Pag nagdabog ang baho
Pag umiyak na ang gitara
Siguradong solve na ako

Gusto kong magsayaw gusto kong sumigaw
Gusto kong tumalon magdamag maghapon
Gusto kong magsayaw gusto kong humataw
Gusto kong lumundag maghapon magdamag

Ha

Hindi mo na kailangan pa ng kahit anong karga
Tanging kailangan mo'y magandang musika
Kung ika'y nalulungkot at gusto mong sumaya
Halina't sama na halina't sama na

Gusto kong magsayaw gusto kong sumigaw
Gusto kong tumalon magdamag maghapon
Gusto kong magsayaw gusto kong humataw
Gusto kong lumundag maghapon magdamag

Gusto kong magsayaw gusto kong sumigaw
Gusto kong tumalon magdamag maghapon
Gusto kong magsayaw gusto kong humataw
Gusto kong lumundag maghapon magdamag

Gusto kong magsayaw
Gusto kong magsayaw
Sige