Happy Break Up


Nakakapagod isipin na wala na naman tayong dalawa
Kailan ba nating tatanggapin ang mas nakakabuti sa'tin
Wala na nga talaga tayong magagawa

Hindi muna kailangang magpaliwanag pa pareho tayong may maling nagawa
At mas maiging ang nabasag ay iwanan na lang at baka tayo'y masugatan pa

Kaya okay lang yan
Smile ka naman d'yan
Wag umiyak di pa katapusan
Ngayon ko lang 'to sasabihin sayo (surprise)

Ha-ha-happy break up hindi na tayo
Ha-ha-happy break up wala na tayo
Ha-ha-happy break up break na tayo
Ha-ha-happy break up sa'yo

Sigurado naman ako na ayaw mo ng makikitang nag-aaway pa tayo
Kunwaring mag-aayos tapos wala pang isang minuto hala nagsisigawan na tayo
Ayoko ng umiyak ng umiyak
Paulit-ulit lang ang dahilan

Hindi muna kailangan magpaliwanag pa
Pareho tayong may maling nagawa
At mas maiging ang nabasag ay iwananan na lang
At baka tayo'y masugatan pa

Kaya okay lang 'yan smile ka naman d'yan
Wag umiyak di pa katapusan
Ngayon ko lang 'to sasabihin sa'yo (surprise)

Ha-ha-happy break up hindi na tayo
Ha-ha-happy break up wala na tayo
Ha-ha-happy break up break na tayo
Ha-ha-happy break up sa'yo

Ang pag-ibig ay di nanay tatay
Gusto ko tinapay
Ate kuya gusto kong kape
At di lahat ng gusto mo ay susundin ko
Tapos pag nagka-mali ay pipingutin mo
In short hindi ako nakikipaglaro
Mahal kita pero napapagod rin ako
Tama na
Makinig ka sa'kin
Ito'y kailangan na'tin totoong (hey happy break up)

Mamimiss kita pero sa'kin mas mahalaga ang hindi na tayo muling nagkakasakitan (hey happy break up)

Kaya okay lang yan (okay lang yan)
Smile ka naman d'yan (smile ka naman d'yan)
'Wag umiyak di pa katapusan
Ngayon ko lang 'to sasabihin sa'yo (surprise)

Ha-ha-happy break up hindi na tayo (wala na tayo)
Ha-ha-happy break up wala na tayo (tapos na tayo)
Ha-ha-happy break up break na tayo (wala na tayo tapos na tayo)
Ha-ha-happy break up sayo