Saranggola


Hindi ko masimulang magsulat
Ayaw kong kumilos ng hindi kita kasama
Tuwing nakakatapos ako ng kanta
Gusto ko laging marinig mo muna sana
Mas bagay ba kung uumpisahan ko sa miss na kita
Eh kung unahin ko muna kaya ang bumalik kana

Kasi naman

Ikaw ikaw ikaw pa rin ang una unang pumapasok sa isip ko
Kapag kapag kailangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta
Lalagyan ko ba ng
Ohooh la la la oh kaya ng
Paparapapa ohooh

Ano kaya ang mas gusto mo

Bumabagyo ng malakas na malakas
Pero pilit akong nagpapalipad ng saranggola
Paano ko matatapos tong kanta
Nahihirapan ako kapag wala ka
Mas bagay ba kung uumpisahan ko sa ako'y iyong namimiss din ba
Eh kung unahin ko muna kayang tanungin kung babalik ka ba

Kasi naman

Ikaw ikaw ikaw pa rin ang una unang pumapasok sa isip ko
Kapag kapag kaylangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta
Lalagyan ko ba ng

Ohooh la la la oh kaya ng
Paparapapa ohooh
Ano kaya ang mas gusto mo

Sinusubukan kong tapusin tong kanta ng mag isa
Ngunit dahil sa mga luhang nag uunahan hindi na ko makakita
Gusto na kitang makita di lang dahil sa itatanong ko kung

Mas bagay ba kung tatapusin ko na lang sa patawarin mo sana
Paano kung ihuli ko na lang kaya ang paalam na oh

Ikaw ikaw ikaw pa rin ang una unang pumapasok sa isip ko (wooh)
Kapag kapag kaylangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta (woah)
Lalagyan ko ba ng

Ohooh la la la oh kaya ng
Paparapapa ohooh (lalala)
Itigil ko na kaya ito