Himig Ng Pangarap

Ang ihip ng hangin pagpatak ng ulan
Ang agos ng tubig ay aking naririnig
Tinig ng ibon sa akin ay umaawit
Ang puso't isip ko'y dinuduyan sa langit
Na tila ba isang himig na siyang pumupukaw
Sa natutulog kong daigdig (sa natutulog kong daigdig)

Ito ang himig ng pangarap na nagbibigay pag-asa sa bawat isa
'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin
Ang himig ng pangarap

Saan man makarating ay lilingon pa rin (ay lilingon pa rin ah)
Sa agos ng buhay dapat ay maging matibay
Ang buhay ay isang himig
Kapag naririnig ang puso mo'y umaawit (ang puso mo'y umaawit)

Ito ang himig ng pangarap na nagbibigay pag-asa sa bawat isa
'Pagkat ang himig ng pangarap na kayang abutin kahit na mga bituin

Ang sinag mo'y nagsilbing liwanag (ang sinag mo'y nagsilbing liwanag)
Sa 'king landas na tinatahak (sa 'king landas na tinatahak)
Upang aking makamit minimithi kong pangarap
Sa himig na ito'y matutupad (matutupad)