Hindi Ko Alam
Oh
Sa dami ng aking naranasan
Tila ba nalimot na ang makaramdam
Palagi na lang tinatakasan
Ang pait na dulot ng nakaraan
Ngunit lahat ay nag-iba nang ika'y makilala na
At bumabalik sa umpisa at puno ng kaba
Puso ko ay umurong bigla
O nalilito na sa aking nadarama
Hindi ko alam kung paano nangyari
'Di ko mawari ang nilalaman ng puso
Tuwing nakikita ka'y may ligaya
Laging ikaw ang siyang hinahanap
Tanging ikaw ang nais makasama dito
Sa aking pag-iisa
Pilit ko mang bawiin
Ako'y isang alipin
Ng pagsintang hindi magmamaliw
Matapos lahat ng napagdaanan
Umaasa pa rin na muling mapagbigyan
Ilang ulit mang sabihing bawal
Sa sigaw ng puso ay walang laban
Dahil lahat ay nag-iba
Nang ika'y makilala na
At bumabalik sa umpisa
O nalilito na sa nadarama
Hindi ko alam kung paano nangyari
'Di ko mawari ang nilalaman ng puso
Tuwing nakikita ka'y may ligaya
Laging ikaw ang siyang hinahanap
Tanging ikaw ang nais makasama dito
Sa aking pag-iisa
Pilit ko mang bawiin
Ako'y isang alipin
Ng pagsintang hindi magmamaliw oh
Kahit na isang umaga
Magising na lang sa katotohanan
Na ako't ikaw ay 'di tinadhana
Kahit na walang pag-asa
'Di ako maghahanap ng iba
Sapagkat nakita na
Ang nais makapiling
At iibigin ng buo't wagas hindi man mapansin
Hindi ko alam kung paano nangyari
'Di ko mawari ang nilalaman ng puso
Tuwing nakikita ka'y may ligaya
Laging ikaw ang siyang hinahanap
Tanging ikaw ang nais makasama dito
Sa aking pag-iisa
At kung ako'y palarin
Na ikaw ay maging akin
Ang pagsinta'y hindi magmamaliw
Ang pagsinta'y hindi magmamaliw
Oh oh