Ihip Ng Hangin


One two one two three four

Kung may mga araw na para kang nag-iisa
Ang mga inaasahan mo'y iniwan ka
Nung may mga sandaling nawawalan ka ng pag-asa
At di matigil ang mga luha sa iyong mata

Pati pagsikat ng araw na dating kay ganda-ganda
Ngayon ay halos ayaw mo na itong makita
Kung mayron pang bukas na sayo'y naghihintay
Para bang wala na rin itong halaga

Lumingon ka lang sa akin
Huminga ka ng malalim at ihahatid ka dito ng ihip ng hangin
Bumulong ng panalangin
Sa kanya mo lahat sabihin at ang lahat ng iyong pangamba't hinaing ay
Papawiin ng ihip ng hangin

Huwag mong kimkimin ang iyong mga nararamdaman
Sabihin mo lang kung ika'y napapagod at nasasaktan
Humingi ng payo o tulong kung kinakailangan
May tunay ka pang mga kaibigang sayo'y nagmamahal

Lumingon ka lang sa akin
Huminga ka ng malalim at ihahatid ka dito ng ihip ng hangin
Bumulong ng panalangin
Sa kanya mo lahat sabihin at ang iyong mga pangamba't hinaing ay
Papawiin ng ihip ng hangin

Kung kailangan mo ng kausap
Kung kailangan mo ng balikat
Kung kailangan mo ng paglingap
Huwag ka nang lumayo
Ako ang haharap

Lumingon ka lang sa akin
Huminga ka ng malalim at ihahatid ka dito ng ihip ng hangin
Bumulong ng panalangin
Sa kanya mo lahat idaing at lahat ng pangamba sa puso mo ay papawiin ng
Ihip ng hangin