Ikaw Ba Si Hesus


Sa aking pagkatulog ako'y nagising
Sa isang kalansing habang ako'y nahihimbing
Sa sinag ng ilaw aking sinipat
Latang bagsakan at sisidlan
Bawat kabog ng dibdib umaasa
Ng isang habag

Ngunit isang araw sa gitna ng tag-araw
Merong dumatal isang kaibigan
Sa tindi ng init ako'y sinaplutan
Sa karumihan nililisan
Ang tanong ko sa kanya ikaw ba
Si Hesus

Sa bawat ginagawa natin sa ating kapwa
Ginagawa natin ito sa Panginoong Hesus
Ano man sila at sino man sila
Sila'y kasamang tinubos sa krus

Nagkakalat sa lansangan walang mapuntahan
Salot sa lipunan ang karamihan
Pulubi kung tawagin kinaainisan
Ngunit meron palang nagmamahal
Ang tanong ko sa kanya ikaw ba
Si Hesus

Sa bawat ginagawa natin sa ating kapwa
Ginagawa natin ito sa Panginoong Hesus
Ano man sila at sino man sila
Sila'y kasamang tinubos sa krus

Ating pakatandaan tayo'y larawan ni Hesus
Dapat nating tularan ang manunubos
Sa kanyang biyaya tayo'y magmamahal
Nang madama at makita sa atin si Hesus
Saan man pumaroon tayo ay
Si Hesus

Sa bawat ginagawa natin sa ating kapwa
Ginagawa natin ito sa Panginoong Hesus
Ano man sila at sino man sila
Sila'y kasamang tinubos sa krus

Panatag na ang buhay pagkat alam ko na
Tunay at buhay si Hesus
Tunay ang buhay pagkat buhay
Si Hesus
Tunay ang buhay pagkat buhay
Si Hesus