Isang Lahi
Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at pag-asang
Tanong ay kailan bakit di natin isabog ang pagmamahal (pagmamahal)
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y
Nandiyan sa palad mo
Diba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas nang magkaisa
Bawat nating pangarap (pangarap)
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y andiyan sa palad mo
Sundan mo ng tanaw ang buhay (ah)
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi (ah)
Iisa lang ang ating lipi (ah)
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (ah)
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko (ah)
Ang pagdamay sa kapwa'y andiyan sa palad mo (dorotdodo)
Sa palad mo sa palad mo (dorotdodo)