Isang Minuto
Parang isang anghel na bumaba sa lupa
Yun ang nasabi ko
Nang masilayan ko ang maamo mong mukha
Ako'y nabihag mo
Sa isang ngiti mo lang
Sa isang tingin mo pa
Para na akong natutunaw
Tibok ng puso ko'y palakas ng palakas
Sa isang minuto nahulog bigla sayo
Pasensya na sa kabilisan ko
Sana'y makita kang muli at makausap ka
At matanong na rin sayo maari ka bang ligawan
Sana'y masabi pa sayong mahal kita
Kahit isang minuto pa lang tayong nagkakilala
Malapit nang matapos ang isang minuto
Ilang segundo na lang ikaw na ang lalayo
Sasabihin na dapat sayo
Ang nararamdaman
Magtatapat na dapat sayo
Ngunit nang ikaw ay nilapitan
Tibok ng puso ko'y bigla na lamang lumakas
Wala tuloy nasabi
Nakatitig lang sayo
'Lang hiya natorpe lang ako
Sana'y makita kang muli at makausap ka
At matanong na rin sayo maari ka bang ligawan
Sana'y masabi pa sayong mahal kita
Kahit isang minuto pa lang tayong nagkakilala
Sana'y makita kang muli
At matanong na rin sayo
Sana'y masabi pa sayong mahal kita
Kahit isang minuto pa lang tayong nagkakilala
Nagkakilala