Kaligayahan


Ligaya'y nadama
Ngayung magbalik ka
Luhang kay pait tuluyang nawaglit

Wag sanang magwakas
Ang galak sa dibdib
Sana'y wag kumupas tapat mong pag-ibig

Sa'yong pagmamahal
Nais kong mabuhay
Nasa piling mo ang kaligayahan

Kapag lumayo ka
At ako'y iniwan
Ang kaligayahan tuluyang papanaw

Dahil ikaw lamang
Ang kaligayahan