Kalikasan At Ako


Kay gandang pagmasdan ng kapaligiran
Mga ibon sa parang ay nagliliparan
Mga bundok at ang dagat likha ng Maykapal
Mga hayop at halaman tunay na kay inam

Ngunit bakit nga ba ngayo'y ganito na
Tila lahat ay nagbago likha ng Diyos Ama
Kaibigan ko tayo'y magkaisa
Subukang iligtas likha ng Diyos Ama

Sa 'ting mga tao nakasalalay 'to
Atin ngang ingatan at pagyamanin 'to
Habang may panahon gumising na tayo
Lagi lang tandaan kalikasan ay kayamanan

Handog sa 'tin ng Maykapal