Kanlungan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Natatandaan mo pa ba
Nung tayong dalawa'y unang magkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Ang inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Ngayon ikaw ay nagbalik
Katulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ay ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ay ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon oh oh