Kanlungan
Oh oh
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon oh
Natatandaan mo pa ba
Nung tayong dalawa'y unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimula
Mangarap at tumula oh
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman (ang mga puno't halaman)
Ay kabiyak ng ating gunita (ay kabiyak ng ating gunita)
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon oh
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa
Lumilipas ang panahon (lumilipas ang panahon)
Kabiyak ng ating gunita (kabiyak ng ating gunita)
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon