Kulang Ang Habang Buhay
Katawan man ay manghina
Tuhod ay kumalog
Huling hakbang ko ay tungo sa 'yo
Paningin man ay manlabo
Paligid ay dumilim
Huling sulyap ko ay sa mata mo
Memorya ma'y maglaho
Alaala ay lumabo
Ikaw lang ang laman ng isip ko
Pandinig man ay manghina
Bahagyang mabingi
Musika pa rin ang tinig mo
Kulang ang habang buhay
Na makapiling ka
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay
Hahawakan ko ang iyong kamay
Tinig ko ma'y mamaos
Dila'y mautal
Ibubulong pa rin ang pangalan mo
Hanggang ang buhay ko'y bawiin ng
Dakilang may lalang
Hihinga ako para sa 'yo
Kulang ang habang buhay
Na makapiling ka
Hanggang sa dulo ng aking paglalakbay
Hahawakan ko ang iyong kamay
Tinig ko ma'y mamaos
Dila'y mautal
Ibubulong pa rin ang pangalan mo
Hanggang ang buhay ko'y bawiin ng
Dakilang may lalang
Hihinga ako para sa 'yo
Humihinga ako dahil sa 'yo