Kung 'Di Na Ako


Kitang kita sa iyong mata
Na 'di na ako mahalaga
Ramdam ko sa iyong mga hawak
Na meron kang binabalak
Haplos na kay lamig
Tikom na mga bibig
Wala na ba talagang pag-ibig

Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang
Magpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na

Wala ng init ang iyong yakap
Mauudlot na ang mga pangarap
Mga halik na kay tamis
Hindi man lang dumadaplis
Sana 'di na magtagal
Kayanin ng dasal
Nasaan na ba ang pagmamahal

Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang
Magpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na

Di na kita pililitin pa
Kung talagang ayaw mo na
Basta tandaan mo
Mahal kita
Hindi ka na kailangan mahirapan pa
Ako na lang malaya ka na

Oh
Kaya pa ba
Ipaglalaban pa ba
Di pa nga nag-uumpisa
Sumuko ka na
Nasayang ang lahat
Tinapon mo nalang
Pinagsamahan nating dalawa
Binalewala ah

Kung di na ako ang nagpapatibok ng puso mo
Paalam na paalam na
Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na