Kung Walang Ikaw


Sa bawat pintig ng puso'y ikaw
Tanging nais ko ika'y natatanaw
Kasama kang lagi sa bawat galaw
Kulang ang lahat 'pag hindi ikaw

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw

Huwag mong iiwan ang pag-ibig ko (huwag mong iiwan)
'Pag nagkagayun mamamatay ako
Ano pa bang silbi ng buhay kong ito
Kung malalayo ikaw sa piling ko (kung malalayo)

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw (kung walang ikaw)

Tanging sa piling mo naramdaman ang isang tunay at wagas na pagmamahal
Sa araw-araw ang tanging dasal
Ika'y kapiling ko
'Yan sa puso ang sigaw

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
Ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw (kung walang ikaw)
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw