Laruang Puso


Wag mo lang sana akong pagbabawalan
Na ako'y magduyan sa ibang kandungan
Pagkat iyan ay pagbibigay lamang
Sa mga babaeng naghahanap buhay
Iyan ay aking katuwaan lamang
Kahit ako'y nagkakagastos lang
Ngunit uuwi rin ako sa iyo hirang
Pagkat ikaw pa rin ang tunay kong mahal

Kami sa night club nakikipagsayawan
Sa mga chiks nakikipaglambingan
Ngunit ang totoo yan ay aliwan lamang
Sa tulad kong lalaking mayron nang minamahal

Hayaan mo ako
Makipaglaro-laro
Sa mga babae
May laruang puso
Pagkat sila rin ay
Mahilig magbiro
At bagay na kapartner
Sa fake na pagsuyo

Hayaan mo ako
Makipaglaro-laro
Sa mga babae
May laruang puso
Pagkat sila rin ay
Mahilig magbiro
At bagay na kapartner
Sa fake na pagsuyo