Mahal Na Mahal Kita


Oh bakit ba mahal na mahal kita
Kahit pinasasakitan pa
Paulit-ulit na ika'y nagkakasala
At palagi rin napapatawad pa

Tanging alam ng puso't damdamin
Umibig sa katulad mo
Bulag palagi lalo't pag ika'y kapiling
Naaaliw sa yakap mo't mga paglalambing

Mahal na mahal kita
Di ko makakayanan sa 'kin malayo ka pa
Ang nais ko sa bawat sandali
Ika'y kapiling ko lagi

Mahal na mahal kita
Dito sa aking puso ay mananatili ka
Ikaw lang ang pag-ibig ko
Magunaw man itong mundo ako ay sa iyo
Ganyan ka kamahal sa puso ko

Tanging alam ng puso't damdamin
Umibig sa katulad mo
Bulag palagi lalo't pag ika'y kapiling
Naaaliw sa yakap mo't mga paglalambing

Mahal na mahal kita
Di ko makakayanan sa 'kin malayo ka pa
Ang nais ko sa bawat sandali
Ika'y kapiling ko lagi

Mahal na mahal kita
Dito sa aking puso ay mananatili ka
Ikaw lang ang pag-ibig ko
Magunaw man itong mundo ako ay sa iyo
Ganyan ka kamahal sa puso ko