Mahal Pa Rin Kita


Ngayo'y umaasa pa rin
Na ako'y iyong muling mamahalin
Pinilit ko mang pigilin
Ngunit bakit ikaw at ikaw pa rin

Bakit ako'y iyong binalewala
Ang tagal tagal mong pinalaya
Ang puso kong nagmamahal pa

Matatamis na salitang binitawan
Hinding hindi malilimutan
Ang tagal ngayon nakatatak pa rin sa isipan
Ikaw ang hinahanap hanap

Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba pa
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sayo

Mga halik at yakap
Na lagi lagi kong hinahagilap
Masasayang alala na lagi lagi kang nakakasama
Ngunit nawala na na parang bula

At paano na kaya ito
Na ibabalik pa
Mga salita na binitawan mo't pangako
Ngayon ay napako
Kahit na iniwanan mong nagiisa
Sana naman ngayon ay alam mo na

Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba pa
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sayo
Mahal pa rin kita
Ikaw lang at wala ng iba pa
Sana ay malaman mo
Na ako lang ang babaeng nagmamahal sayo