Mahiwagang Puso


Hindi sapat ang isang awitin
Kahit tapat man ang damdamin
At kulang pang magpa-alipin sa'yo giliw

Kunin ko man lahat ng mga tala
Sa akin ay di ka dapat maawa
Higit pa riyan ang aking gagawin upang iyong dinggin

Ulan man o bagyo
Lindol ng mundo
At sigaw ng bulkan
Pipigilin ko pipigilin ko
Binigyan mo ako
Ng mahiwagang puso
Tatahakin lahat
Mapatunayan lang ang pag-ibig ko sa'yo

Di man kaibigan ang tadhana
Di nalalayo kanyang paghamak
Sa di mapapantayang hangarin kong ibigin ka

Ulan man o bagyo
Lindol ng mundo
Ang sigaw ng bulkan
Pipigilin ko pipigilin ko
Binigyan mo ako ng mahiwagang puso
Tatahakin lahat
Mapatunayan lang ang pag-ibig ko sa'yo oh

At sigaw ng bulkan
Pipigilan ko kung ibigin mo
Binigyan mo ako
Ng mahiwagang puso
Tatahakin lahat
Mapatunayan lang ang pag-ibig ko sa'yo