Maligayang Pasko
Maligayang Pasko sa iyo Inang Maria
Ilang daang taon na ang lumipas
Ng ikaw ay magpasyang
Maging ina ng tagapagpalaya
Sa mundo Inang Maria
Pinagpala ka ng Diyos Ama
Maging ang bunga mong anak ng Diyos
At narito ang Paskong nagmula sa ating mapagmahal na ama
Sa pamamagitan mo
Kundi sayo mayron kaya tayong Pasko
Maligayang Pasko sa iyo Inang Maria
Isang kahilingan pa sana
Huwag kaming kalilimutan
Idalangin kaming matulad sa iyo Inang Maria
At maging huwaran namin tuwina
Ang halimbawa mong nagsilang
Sa kanya