Manhid


Hindi mo alam
Ako'y nasasaktan
Sa tuwing nakikita
Kitang nagdaramdam
Isang malaking tanong
Isang palaisipan na sa dami ng lalake siya ang iyong minahal

Kapag sinusuyo-suyo ka niya
Kinikilig-kilig ka pa
Kahit na sobrang obvious na
Lahat ay bola
Ano ba ang nakain mo
At siya ang pinili mo
Andito lang naman ako naghihintay mapansin mo

Manhid ka ba
O dakilang tanga
Parang di mo ramdam
Na niloloko ka niya
Martir ka ba
B O B O ka ba
O nabubulagan lang
Dahil mahal mo siya

Para akong namatay
Nung marinig ang kwento na
Ang kabaitan mo ay sinasamantala
Ang nakakainis tuwang-tuwa pa siya
Sa kapal ng mukha
At kalokohan niya

Manhid ka ba
O dakilang tanga
Parang di mo ramdam
Na niloloko ka na
Martir ka ba
Engeng ka ba
O nabubulagan lang
Dahil mahal mo siya

Sabi ng kaibigan ko
Humanap na 'ko ng iba baka nandito lang sa paligid ko
Ang tunay na ligaya
Tumingin-tingin
At pumansin-pansin
Humarap sa salamin
Sa sarili ay sabihin

Manhid ka ba
O dakilang tanga
Bakit di mo ramdam
Na niloloko ka na martir ka ba
Bobo ka ba
O nabubulagan lang
Dahil mahal mo siya
Hu