Maria Inang Gabay


Sa pagsikat ng araw
Ang hanap ay ikaw
Kalinga mo nanghahalina
Pag-ibig mo aming ina

Sa bingit ng kadiliman
Tanglaw ka ng tanan
Sayong anak ay ilapit
Itong aming panalangin

Ituro mo Birheng Maria
Sa aming anak mong sumasampalataya
Sa banal na pagsasalo kami'y akayin mo
Sa pakikipag-isang loob kay Kristo

Sa hirap ng buhay
Tangan mo aming kamay
Tulungan mo kami aming ina
Yakapin mo kaming dukha

Ituro mo Birheng Maria
Sa aming anak mong sumasampalataya
Sa banal na pagsasalo kami'y akayin mo
Sa pakikipag-isang loob kay Kristo

Huwaran at dakila
Sinisintang mutya
Ang tala ng umaga
Maria aming ina aming ina

Ituro mo Birheng Maria
Sa aming anak mong sumasampalataya
Sa banal na pagsasalo kami'y akayin mo
Sa pakikipag-isang loob kay Kristo

Sa pakikipag-isang loob kay Kristo