Meron Ba'ng Makikinig


Pinipiga ang utak
Nagsusunog ng kilay
Sa patong-patong na aklat naghahanap
Ng maisusulat
Lukot-lukot na papel
Sa sahig ay nagkalat
Sulat bura liriko at nota hanggang
Makabuo ng kanta

Ngunit meron kayang makikinig sa bagong likhang awit
Meron kayang papansin sa videong gagawin
Meron kayang magrerecording ng aking awitin
Parang wala
Parang wala

Marami nang pagkakataon ayoko nang sumulat
Ngunit ang tonong naglalaro paikot-ikot sa utak
Parang isang baliw
Sarili kinakausap
Pinipitas sa hangin ang obrang
Naisusulat

Ngunit meron bang makikinig sa bagong likhang himig
Meron kayang papansin sa videong gagawin
Meron kayang magrerecording ng aking awitin
Parang wala
Parang wala

May pag-asa kayang makilala
Sa larangan ng musika
Ang tulad kong ordinaryo lang
Ang boses at porma
Na halos kahig tuka
Para lang kumita
Halos wala nang oras na natitira
Mag-eensayo pa

Wala namang makikinig sa bagong likhang himig
Wala namang papansin sa videong gagawin
Ngunit patuloy lang akong susulat ng mga awitin
Kahit mukhang wala naman itong
Mararating

Oh