Minamahal Kita


Kung aking wariin sinta
Ay naghihintay pagtapatan ka
Kung nais malaman sinta
Bakit tangi kang minamahal
Ikaw lang ang tunay na siyang dahilan
Ng aking kaligayahan

Minamahal minamahal kita
Pagsinta ay di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama sinta
Bawat kilos ko ay pangarap ka

Minamahal minamahal kita
At nasa iyo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ko tuwina
Minamahal minamahal kita

Irog ko buhay ko minamahal kita
Dinggin mo aking mahal (hmm)
Bawat kilos ko ay pangarap ka

Minamahal minamahal kita
At nasa iyo ang tanging pag-asa
Asahan mong dalangin ko tuwina
Minamahal minamahal kita