Nagmamahal Ng Tunay


Simula noong makasama ka
Nagbago ang lahat
Sa buhay kong kay gulo
Itinama mong lahat
Mga mali sa buhay ko
Salamat at ika'y nakilala ko

Pagkat kailangan ko
Ang isang katulad mo
Na nagmamahal sa akin ng tunay
Pintig ng puso ko
Ay dahil lang sa 'yo
Kung sayo'y mawawalay
Kulang ang aking buhay

Nang inibig mo
Nagbago ang aking mundo
'Yan ang hiwaga ng
Pagmamahal mong taglay
Ang tangi kung dasal
Pag-ibig ay magtatagal
Iingatan natin sa habang buhay

Pagkat kailangan ko
Ang isang katulad mo
Na nagmamahal sa akin ng tunay
Pintig ng puso ko
Ay dahil lang sa 'yo
Kung sayo'y mawawalay
Kulang ang aking buhay (pagkat kailangan ko)

Pagkat kailangan ko (ang isang katulad mo)
Ang isang katulad mo
Nagmamahal sa akin ng tunay (na nagmamahal sa akin ng tunay)
Pintig ng puso ko
Ay dahil lang sa 'yo
Kung sayo'y mawawalay
Kulang ang aking buhay