Nais ko


Nais kong maging sayo
Yan ang minimithi ng puso ko
Nais kong bawat sandali
Ng buhay ko ay maialay sa iyo

Ang tanging dalangin ko'y
Mabuhay lamang para sayo
Hanggang sa wakas ng buhay ko
Ay manatiling tapat na lingkod mo

Huwag lamang sanang hahayaang
Igupo ako ng kahinaan
Upang sa pag-ibig ay hindi ako magkulang
Nang ika'y aking maparangalan

Nais kong maging sayo
Yan ang minimithi ng puso ko
Nais kong bawat sandali
Ng buhay ko ay maialay sa iyo

Huwag lamang sanang hahayaang
Igupo ako ng kahinaan
Upang sa pag-ibig ay hindi ako magkulang
Nang ika'y aking maparangalan

Ang tanging dalangin ko'y
Mabuhay lamang para sayo
Hanggang sa wakas ng buhay ko
Ay manatiling tapat
Na lingkod mo